Filipino: Palawakin, Panatilihin, at Ipagmalaki

Isang matagumpay na pagdiriwang ng wikang Pilipino na naman ang ating pinag-saluhan sa loob ng buwan ng Agosto!

Sari-saring mga tagalog na salita, mga larong Pinoy na muling nag paalala ng ating kamusmusan, at mga bayani na muli nating kinilala ang ating natuklasan at naging laman ng ating social media.

Ang buwan ng wika ay ipinagdiriwang upang ipaalala at panatilihin ang pagiging malikhain ng Pilipino sa pag gamit ng salitangย tagalog. Mula sa larong Nanay Tatay, Tagu-taguan, Jack en Poy, hanggang sa katatawanan ay hindi magpapahuli ang Pilipino.

Kasama na din sa naging laman ng aming postings ay ang balita tungkol sa pag apruba na gamitin ang Baybayin bilang isa sa maraming pambansang sistema ng pagsulat, kasabay ng paglagay ng kapisyon na iniugnay namin sa isang pelikula na kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018, na may pamagat na The Day After Valentineโ€™s.

Ang buong team ng Obra Digital ay naaliw at muling bumalik sa pagka bata sa bawat pag iisip ng tema kada linggo, kung saan ang bawat ilustrasyon na aming ginawa ay naging matagumpay sa pagbabahagi ng ating wika, at ito ay tunay na nagdala ng ngiti at tawanan sa loob ng aming munting opisina.

Anong naging paborito mongย postย mula sa aming Buwan ng Wikaย weekly specials?ย Mag padalaย lamang sa aming at muli nating balikan.

Share

Table of Contents

More from us